bicol.politics.com.ph

Fight fake news, Iriga City Mayor Madelaine Alfelor urges constituents

0

Fake news has been booming in Iriga City, and Mayor Madelaine Alfelor is definitely not happy.

In a statement posted on Facebook, Alfelor said local politics has heated up because of the proliferation of fake news that has targeted both her and her rival.

She lamented that it has been easier to spread false information because of social media, and this in turn has been used to besmirch her name.

While she respects freedom of speech which is protected in the constitution, this also comes with responsibilities. This freedom must not be abused to slander others, she added.

Alfelor called on her constituents for help in stopping the spread of fake news, whether these pertain to her or her rivals. These should not be shared, liked, or spread on social media, she added.

If the spread of disinformation continues, it’s Iriga that would suffer in the end, she warned.

Nobody would like that!

“READ : OFFICIAL STATEMENT OF MAYOR MADELAINE YOROBE ALFELOR AGAINST FAKE NEWS

Nitong mga nakaraang linggo, ang kalagayang pampulitika ng Lungsod ng Iriga ay nabulabog dahil sa pag-usbong ng mga “fake news”, sumusuporta man o laban sa kasalukuyang administrasyon ng Lungsod. May mga “fake news” nang lumabas noon sa anyong tsismis at haka-haka, ngunit ang biglaang pagtaas ng “fake news” ngayon ay dahil ng malawakang paggamit ng social media. Dahil madaling gamitin ang social media, kasama ang mabilis at malayong naabot ng mga “fake news”, ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan at tsismis ang naging sandata ng ilang mga pangkat upang sirain ang imahe ng kasalukuyang nanunungkulan para sa kanilang pansariling kapakanan.

Ang kalayaan sa pananalita ay karapatan na ipahayag ang mga ideya at opinyon nang sino man ng walang pagsensura, pagpigil, o takot sa paghihiganti. Sa ating bansa, ang karapatang ito ay protektado ng Katipunan ng Mga Karapatan ng Konstitusyon. Gayunpaman, ang kalayaan sa pagsasalita ay may pananagutan. Ito ay hindi isang lisensya upang manirang-puri, mang-alipusta, o manglapastangan ng iba. Ang ganitong mga gawain ay hindi dapat pamarisan. Dapat tayong magkaroon ng mataas na pamantayan sa pagsuri ng kung ano ang disente at totoo. Dapat natin palagiing isipin, hindi lamang ang ating mga gawain, kundi pati ang ating mga salita.

Kaya ako, si Madelaine Yorobe Alfelor, kasalukuyang nanunungkulan na Alkalde ng Lungsod ay nanawagan para sa inyong suporta upang mapigilan ang pagkalat ng “fake news”, patungkol man ito sa akin o sa aking mga katunggali. Ihinto ang pag-post, pag-like, o pag-share ng “fake news”. Dahil sa huli, ang minamahal nating Lungsod at tayong mga mamamayan nito ang pinaka-apektado sa pagkalat ng mga mapanirang tsismis. Ang reputasyon ng ating Lungsod na pinagsikapan nating itayo ang magdurusa sa paningin ng mga tao, hindi lamang sa ating lungsod, distrito at lalawigan, kundi pati na rin sa ating bansa at sa ibang bansa,” Alfelor posted on Facebook.