bicol.politics.com.ph

Mag diet na! Palawan urges food establishments to reduce rice servings, offer brown rice

0 589

The Palawan Provincial Board has approved a resolution urging food establishments to reduce their serving of rice.

The said resolution, approved during the council’s 108 regular session, was authored by Board Member Clarito D. Demaala IV.

“Naaprubahan sa ika-108 regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolusyong inakda ni Board Member Clarito D. Demaala IV na humihimok sa lahat ng mga food establishments sa lalawigan na gawing isang ounce o katumbas lamang ng laki ng isang tennis ball ang bawat serving ng kanin sa mga kustomer,” the province said.

“Ang naturang resolusyon ay hindi lang umano maaring maging tugon sa kakulangan ng suplay ng bigas sa lalawigan kundi makakatulong pa umano ito sa pagkakaroon ng healthy eating habits ng mga Palaweño,” it added.

Citing data from the International Rice Research Institute (IRRI), the resolution stated that 300,000 tons of rice go to waste every year, which cost P8 billion.

“Ngunit maliban pa sa mga nasasayang na kanin, sinasabi rin umano ng mga pag-aaral na ang sobrang pagkain ng kanin lalo na ng polished o white rice ay nagdudulot ng obesity, diabetes, at sakit sa puso,” the Palawan provincial government sais.

“Ang pagbabawas umano ng kinakaing kanin ay isang paraan upang maiwasan ang mga sakit na nabanggit at sinasabi sa mga pag-aaral na isang ounce lamang ng kanin tuwing oras nng kain ang nararapat ikonsumo para sa maayos na kalusugan,” it added.

The resolution clarified that “unli-rice” promos are not prohibited but the serving must be reduce to just an ounce.

“Hindi naman umano pinagbabawalan ang mga establisyementong nag-aalok ng “unli-rice” kundi inaatasan lamang sila na gawing isang ounce lamang o kasinlaki ng tennis ball ang isang serving upang maiwasan ang posibilidad ng pagkasayang ng kanin,” said the province.

Meanwhile, another resolution authored by Demaala urging food establishments to offer brown rice was also passed by the Council.

The said resolution is in support of the “Be Riceponsible!” campaign ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

“Mahal at halos doble man umano ang presyo ng brown rice kumpara sa white rice, makatutulong naman ang resolusyong ito sa kalusugan ng mga Palaweño lalo na sa mga diabetic sapagkat mas kakaunti ang sugar at mas maraming energy ang makukuha sa pagkain ng brown rice,” said the province.